Friday, April 1, 2011

Jake's Top Three Platforms If Elected President of the Philippines

I remember writing this last year during the elections. I was so frustrated with the results especially since I don't favor Noynoy. Here it goes:


Ang so called na illegal na mga gawain kagaya ng jueteng, pagbebenta ng laman/prostitusyon, at pagtutulak ng droga ay gagawin kong legal. Kagaya ng mga kumpanya at mga empleyado ay mababawasan din sila ng tax at members ng SSS, Philhealth, Pagibig at iba pang sangay ng gobyerno kung saan siyempre ay entitled din sila sa mga benepisyo. Ang kaso lang ay mas mataas ang ipapataw na buwis sa mga ito at sa mga tiga tangkilik. Sa pagtaas ng buwis para sa mga ito ay bababa naman ang buwis ng mga mahihirap. Kahit ibawal naman kasi ang mga ganyang gawain ay patuloy pading susuwayin at poprotektahan ng mga kawatan sa gobyerno. Imbis na magbigay sila ng lagay sa mga protektor, idederecho na natin sa kaban ng bayan upang magamit pa sa mga kapakipakinabang na proyekto.

Hindi ko sasantuhin ang mga gagawa ng krimen. Aaprubahan ko ang mga batas na naglalayon na mas pabigatin ang parusa sa mga masamang loob. Kung may death sentence man ay bibigyan padin ang kriminal na lumaban para sa kanyang buhay. Kailangan na mabilis siyang lumangoy dahil ipapatapon ko ang mga for death sentence sa dagat na maraming mga pating. Suwerte niya kung hindi siya makain o kung mabuhay pa siya ng ilang araw na kakalangoy ng walang kinakain bago makarating sa anyong lupa.

Pagtitibayin ang edukasyon. Ipapareview ang mga nakasulat sa libro ng mga elementarya at high school. Dapat siguraduhin na well informed ang mga hs graduating students sa mga kurso. Ano ba ang pinag aaralan sa ibat ibang kurso at ano ba ang mararating nila kapag iyon ang landas na tinahak nila.

Yan po ang aking top three.



Sa susunod na election, huwag niyo pong kakalimutan si Jake Manalaysay. LOL